Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 1,015 kilometers East ng Davao City.
Mababa naman ang tyansa na maging bagyo ang nasabing LPA pero magdadala ng mga pag-ulan na may kasamang thunderstorm sa mga susunod na araw.
Northeast monsoon o Amihan naman ang umiiral sa bahagi ng Luzon at Visayas.
Ang Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi naman ng Visayas kasama na ang buong Luzon ay makararanas ng maganda at maaliwalas na panahon na may isolated na mahihinang pag-ulan.
Samantala, magandang panahon din na may pulo-pulong mga pag-ulan dulot ng localized thundestorm ang mararanasan sa bahagi ng Mindanao.