Mga aktibidad ng DepEd ngayong buwan sinuspinde dahil sa 2019-nCoV scare

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang mga nakatakda nitong aktibidad ngayong buwan ng Pebrero dahil sa 2019-nCoV scare.

Sa inilabas na memorandum ng DepEd, inabisuhan ang mga division at district level na iwasan muna ang mga aktibidad na lalahukan ng maraming mag-aaral at mga guro.

Kabilang sa kinansela ang National Schools Press Conference (NSPC) na dapat ay gaganapin sa Tuguegarao City, Cagayan at ang National Festival of Talents (NFOT) sa Ilagan, Isabela.

Ang dalawang aktibidad ay dapat gagawin sa February 17 hanggang 21, 2020.

Kanselado na rin ang National Science and Technology Fair (NSTF) na dapat ay gagawin sa Metro Manila, gayundin ang regional athletic meets gaya ng Central Visayas Regional Athletic Association na dapat gaganapin naman sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Tuloy naman ayon sa DepEd ang taunang Palarong Pambansa dahil sa Mayo pa ito nakatakdang magsimula.

Read more...