Doktor dinukot ng sa loob ng kaniyang clinic sa Jolo, Sulu

Isang doktor ng dinukot ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Barangay Walled City, Jolo, Sulu.

Sa inisyal na impormasyon ng Radyo Inquirer nasa loob ng Moreno Clinic ang isang Dr. Daniel Moreno nang dumating ang mga suspek.

Sapilitang isinakay ang biktima sa isang van at tinangay patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga otoridad sa insidente.

Read more...