Healing priest Fr. Fernando Suarez pumanaw na

Pumanaw na ang kontrobersyal na healing priest na si Fr. Fernando Suarez.

Nawalan umano ng malay ang pari habang naglalaro ng tennis sa Ayala Alabang Clubhouse Martes (Feb. 4) ng umaga.

Nadala pa sa Asian Hospital ang pari pero pumanaw din.

Tatlong araw na lang sana ay ipagdiriwang na ang ika-53 Kaarawan ng pari.

Ang kanyang tagapagsalita na si Deedee Siytangco ang nagkumpirma sa pagpanaw ni Fr. Suarez.

Read more...