Sunog sumiklab sa residential area sa Tondo, Maynila

Aabot sa 300 mga bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog bago mag-hatinggabi sa Block 15 sa Baseco Compound.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, ala 1:50 ng madaling araw nang maideklarang under control na ang sunog.

Read more...