Magkasunod na pagyanig naitala sa Puerto Galera, Oriental Mindoro

Niyanig ng magkasunod na lindol ang Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Unang naitala ng Phivolcs ang lindol alas 4:37 ng madaling araw ng Miyerkules (Feb. 5) ang magnitude 3.6 na lindol sa layong 10 kilometers northwest ng Puerto Galera.

May lalim na 2 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang intensities sa sumusunod na lugar bunsod ng pagyanig:

Intensity IV:
– Puerto Galera, Oriental Mindoro;
– Calapan, Oriental Mindoro
– Bauan, Mabini at Isla Verde, Batangas

Intensity III
– San Pascual, Batangas

Samantala, alas 4:48 ng umaga, muling nagkaroon ng magnitude 3.1 na lindol sa Puerto Galera.

Ang epicenter ng lindol ay sa 8 kilomteres northwest ng Puerto Galera at may lalim na 1 kilometer lamang.

Naitala naman ang Intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Intensity II sa Bauan, Batangas

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig. (END/DD)

Excerpt: Magkasuod na magnitude 3.6 at 3.1 na lindol ang naitala sa Puerto Galera.

Read more...