Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.4 na lindol alas 12:17 ng madaling araw ng Miyerkules (Feb. 5).
Ang epicenter ng pagyanig ay sa 353 kilometers southeast ng Sarangani.
May lalim na 2 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.
Alas 3:07 naman ng madaling araw ng tumama ag magnitude 3.0 na lindol sa Sarangani.
Ang epicenter ng pagyanig ay sa 234 kilometers southeast ng Sarangani at may lalim na 96 kilometers.
Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng dalawang pagyanig.
Hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES