Mga empleyado ng kamara sasailalim sa thermal scanners bago pumasok ng gusali

Sasailalim na sa screening ng thermal scanners ang mga kawani ng Mababang Kapulungan na papasok sa lahat ng entrance lobbies ng gusali.

Sa advisory na inilabas ni House Sec. Gen. Jose Luis Montales, magbibigay din ng masks at gloves sa mga front liners o mga empleyado na karaniwang humaharap sa maraming tao.

Magseset-up din ng tents na magsisilbing holding area sa mga mapaghihinalaan na carrier ng sakit.

Tiniyak din na sapat ang hygiene products tulad ng liquid soaps, alcohol, sanitizer, disinfectants sa mga comfort rooms, entrance lobbies, at mga opisina.

Pinayuhan naman ang mga empleyado na kung makakaramdam ng lagnat ay agad na magpakunsulta sa doktor at humingi ng medical clearance sa HREP clinic bago bumalik sa trabaho.

Pinaiiwas din ang mga empleyado na iwasan ang bumyahe sa mga bansang laganap na ang nCoV at sanayin ang mga sarili sa personal hygiene.

Read more...