Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na limitahan ang kanyang public engagement o ang pakikisalamuha sa publiko.
Ito ay kahit na may banta ng 2019 novel coronavirus (2019-nCoV ARD).
Ayon sa pangulo, kung panahon na niyang mamatay ay mangyayari ito kahit na mag-ingat pa siya sa sakit.
Sinabi ng pangulo na tiyak din naman aniya na malalaman ng publiko ay kung siya ay pumanaw na dahil lalabas siya saMalakanyang sakay ng funeral car.
Bilang pangulo ng bansa, sinabi ng pangulo na hindi nya dapat limitahan ang kanyang public engagement at hindi rin maaring hindi siya makipagkamay sa mga taong nais siyang makahalubilo at hindi naman maari na kumaway na lamang siya at mag-hello lalo na kung mag nag-aabot sa kanya kamay para makipagbati.
Kumpiyansa ang pangulo na kusang mamamatay ang coronavirus na parang natural death lamang kagaya ng Severe acute respiratory syndrome (SARS).
Hindi rin isinasantabi ng pangulo ang posibilidad na dahil sa makabagong siyensya ay makahahanap ng gamot ang mga eksperto para makahanap ng vaccine sa coronavirus.