Lalaking may nCoV nasawi sa Hong Kong

Iniulat ng local media sa Hong Kong ang pagkakaroon na ng unang casualty ng novel coronavirus sa lugar.

Ayon sa local news broadcast na TVB isang 39 anyos na lalaki ang nasawi sa Hong Kong.

Ang Hong Kong ay mayroong 15 kumpirmadong kaso ng nCoV.

Ito ang ikalawang pagkakataon na mayroong nasawi dahil sa novel coronavirus sa labas ng mainland China.

Noong Sabado, iniulat ng Department of Health ang pagkasawi ng lalaking Chinese dito sa Pilipinas.

Read more...