Ayon kay Dr. Nerissa Sabare, department head ng emergency medicine sa Pasig City General Hospital, itinayo ang tent bilang paghahanda sakaling may maitalang pasyente na may sintomas ng novel coronavirus sa lungsod.
Sa loob ng quarantine tent ay mayroong mga kama na maaring magamit ng mga pasyente na kakailanganing isailalim sa quarantine.
Matatagpuan ang itinayong tent sa labas ng naturang ospital.
Ayon naman kay Pasig City Mayor Vico Sotto, nananatiling walang hinihinalang kaso ng nCoV sa lungsod.
Patuloy din ang payo nito sa mga residente na sundin ang mga abiso ng Department of Health (DOH) at World Health Organization para maiwasan ang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES