14 branches ng Jollibee sa China isinara

Pansamantalang isinara ang labingapat na branches ng Jollibee sa China.

Ang mga branch ay nasa Central Province ng China na Hubei.

Ang shutdown sa 14 na store ng Jollibee ay bahagi ng ipinatutupad na hakbang ng gobyerno doon para maiwasan na ang paglaganap pa ng novel coronavirus.

Para naman makatulong, nagbigay ng libreng meals ang Jollibee sa mga front-line medical staff na tumutugon sa problema sa novel coronavirus.

Ang mga empleyado ng isinarang stores ay pinayuhan na manatili lang sa kani-kanilang mga bahay.

Read more...