5 nasawi sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Cavite

Limang drug suspects ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente sa Cavite.

Ayon kay Cavite Police Dir. Marlon Santos, dalawang suspek ang nasawi sa buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Sineguelasan, Bacoor City, alas 4:00 ng madaling araw ng Martes (Feb. 4).

Kinilala ang mga suspek na sina Jonnel Derain at alyas John Mark na kapwa nanlaban sa mga pulis.

Si Derain ay miyembro umano ng Iso Drug Group.

Sa Cavite City naman, nasawi ang suspek na si Ariel Vanta, 46 anyos sa ikinasa ring buy bust operation ng mga pulis sa Barangay 48-A.

Sa Barangay Malagasang naman sa Imus City, nasawi rin sa police shootout ang suspek na si Renier San Agustin.

Sa bayan ng Rosario, ikinasa din ang operasyon kontra ilegal na droga sa Barangay Muzon 1 na ikinasawi ng suspek na si Rolando Docog.

Maliban sa pagkakasangkot sa kalakaran ng ilegal na droga, si Docog ay wanted din sa limang bilang ng kasong rape sa Juban, Sorsogon.

Read more...