P1.3M na halaga ng shabu nakumpiska sa 5 suspek sa Makati

Limang suspek ang naaresto sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan Manila Police District at Makati City Police Station sa Barangay Palanan, Makati City.

Isinagawa ang operasyon ala 1:30 ng madaling araw ng Martes, Feb. 4 sa Melbourne Residences sa Buendia.

Kabilang sa nadakip ang mga sumusunod na suspek:

– Ronald James Sotolombo, 30 anyos
– Renato Apolinario, 29 anyos
– Jenn Estares, 18 anyos
– Samanthan Maliwat, 18 anyos
– Shannel Dilagan, 28 anyos

Nakumpiska sa kanila ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu, 4 na tableta ng ecstasy, 1 digital weighing scale at cash na aabot sa P16,000.

Sinalakay ang lugar bilang follow up operation matapos maaresto kamakailan ang drug personality na si Joshua Geronimo na una nang nadakip sa Maynila.

Tinatayang aabot sa P1.3 million ang nakuhang illegal na droga sa mga suspek.

Read more...