Bumagsak sa 18.5 degrees Celsius ang naitalang minimum temperature ng PAGASA sa Metro Manila ngayong Martes ng umaga.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, alas 6:30 ng umaga ay naitala ang 18.8 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Bahagya namang mas mataas ang nag-rehistrong temperatura sa iba pang bahagi ng Metro Manila, partikular sa NAIA sa Pasay City na nasa 20 degrees Celsius ang temperature alas 5:08 ng umaga at sa Port Area sa Maynila na nasa 21.5 degrees Celsius alas 6:30 ng umaga.
Sa Baguio City, nakapagtala ng 11 degrees Celsius na minimum na temperature alas 4:50 ng umaga.
Nakapagtala din ng malamig na temperature sa sumusunod na lugar:
Malaybalay, Bukidnon – 14 degrees Celsius
Tuguegarao City – 15.3 degrees Celsius
Laoag City – 16.8 degrees Celsius
Casiguran Aurora – 16.8 degrees Celsius