32-anyos na Pinay OFW na nasawi sa Abu Dhabi naiuwi na sa bansa

Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng 32 anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) mula Abu Dhabu.

Si Mary Jane Reyes, ay natagpuang walang buhay sa maid quarters bahay ng kaniyang amo noong January 13.

Maliban kay Reyes ay nakita ring patay noon ang babaeng Ethiopian na household service worker din kasama ng Pinay.

Sa pahayag ng among Arabo ni Reyes maaring suffocation ang ikinasawi ng dalawa.

Batay sa death certificate ng Pinay ay cardiac arrest ang kaniyang ikinasawi.

Ayon sa pamilya ni Reyes, kapag nakakausap nila ito ay nagkukwento itong gabi-gabi ay nagpapaningas ito ng uling bilang panlaban sa lamig.

Nabatid na hindi documented si Reyes at hindi dumaan sa OWWA ang pagtungo niya sa Abu Dhabi.

Read more...