WATCH: Pinoy na si Marcelito Pomoy sasabak sa semi-finals ng America’s Got Talent

Sasabak ngayon sa semi-finals ng America’s Got Talent ang Pinoy na si Marcelito Pomoy.

Makakalaban ni Pomoy ang 11 pang acts sa “The Champions” edition ng AGT.

Sa AGT The Champions ay pinaglaban-laban ang mga acts na naging kampeon sa talent shows mula sa pinagmulang mga bansa.

Si Pomoy ay grand winner ng Pilipinas Got Talent noong 2011 dahil sa kaniyang talento na pag-awit gamit ang boses na panglalaki at pangbabae.

Mula sa labingdalawang maglalaban sa semi-finals ng AGT ngayong araw at 6 na acts lamang ang magkakaroon ng tsansa na makaabante sa grand finals.

Sa kaniyang Instagram humingi ng panalangin si Pomoy sa mga Pinoy.

Ani Pomoy sana ay maging maayos ang kaniyang performance sa kabila ng nararanasang chest pain at heartburn.

Read more...