Aktibidad ng Bulkang Taal sa magdamag bahagyang humina

Mas humina ang naitalang pagbubuga ng usok ng Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin, sa nakalipas na 24 na oras, nakapagtala ng weak emission ng steam-laden plumes sa bulkan na ang taas ay umabot sa 50 hanggang 500 meters.

Ang Sulfur dioxide (SO2) emission ng bulkan ay nasukat na may average na 231 tonnes/day.

Nakapagtala naman ng 223 volcanic earthquakes na pawang mahihina lamang at hindi naramdaman.

Ayon sa Phivolcs, nananatili ang Alert Level 3 saTaal Volcano at pinapaalalahan ang publiko na maari pa ring magkaroon ng phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island kabilang ang nasa 7-kilometer radius mula sa main crater ng bulkan.

Read more...