Nasawi sa novel coronavirus umakyat na sa 426

Nakapagtala pa ng mas maraming bilang ng nasawi sa China dahil sa novel coronavirus.

Sa China lamang ay nakapagtala ng dagdag na 64 na bilang ng mga nasawi dahilan para umabot na sa 425 ang death toll doon. Ang isa sa mga nasawi ay ang Chinese na lalaki na pumanaw sa Pilipinas noong Sabado.

Nakapagtala naman ng dagdag na mahigit 2,400 na panibagong mga kaso kaya umabot na sa mahigit 19,800 ang kabuuang bilang ng kaso ng 2019-nCoV sa iba’t ibang panig ng mundo.

Karamihan sa mga kaso ay sa China na mahigit 19,600.

Sa US nadagdagan pa ang mga naitatalang kaso kaya umabot na sa 13 ang kumpirmadong kasi ng nCoV doon.

Nadagdagan din ang kaso sa Germany na mayroon nang 12 confirmed case.

Read more...