Ito ay matapos na makaalis na kahapon ang iba pang dayuhan na pauwi ng China.
Mahigit 24 na oras na-stranded sa NAIA ang mga dayuhan dahil sa pagpapatupad ng travel ban ng Pilipinas sa mga biyahero galing China, Hong Kong at Macau.
Nagresulta ito sa biglaang pagkansela ng biyahe ng mga airline companies.
Ngayong umaga ay aalis na rin ng NAIA ang 120 pang Chinese nationals pabalik ng China.
Ang iba sa kanila hindi na nahanapan ng direct flight patungong China kaya dadaan pa ng Cambodia at doon sasakay ng biyahe patungong China.
MOST READ
LATEST STORIES