Naitala ang pagyanig sa layong 85 kilometers Southwest ng Agno alas 5:44 ng umaga ng Martes, February 4.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 17 kilometers.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Bago ito ay tumama na ang magnitude 3.5 na lindol sa bayan din ng Agno alas 5:31 ng umaga.
MOST READ
LATEST STORIES