Kinilala ang suspek na si Pakyira Janwong na dumating sa NAIA Terminal 3 galing Bangkok, Thailand.
Nakuha sa bagahe ng dayuhan ang tinatayang 4.1 Kilos ng shabu na aabot sa P28 million ang halaga.
Nakita ang kahina-hinalang laman ng bagahe ng dayuhan nang dumaan ito sa x-ray scanning.
Nang buksan ang mga bagahe ay doon natuklasan ang mga shabu na itinago sa loob ng bottom lining ng maleta.
Nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga shabu at mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.