Ayon sa PAGASA ngayong araw, aasahan pa rin ang malamig at maaliwalas na panahon.
Inaasahan na ang minimum na temperatura sa Metro Manila ay babagsak sa 18 degrees Celsius ngayong araw.
10 degrees Celsius naman ang inaasahang minimum na temperatura sa Baguio City.
Kaninang alas 5:00 ng umaga sinabi ni Chris Perez, PAGASA senior weather specialist ay nakapagtala na ng 18.8 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City.
12 degrees Celsius naman ang naitala sa Baguio City.
Ayon sa PAGASA, mararanasan ang malakas na bugso ng amihan sa bansa hanggang sa ikatlong linggo ng Pebrero.
MOST READ
LATEST STORIES