Malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo epektibo na

Epektibo na ngayong umaga ang malakihang rollback ng mga kumpanya ng langis.

Alas 6:00 ngayong Martes ng (Feb. 4) umaga may bawas na P1.60 sa kada litro ng gasolina, P2.00 sa kada litro ng diesel at P2.45 sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Shell, Petron, Caltex, Flying V

Ang Kumpanyang SeaOil ay may parehong halaga ng bawas presyo sa kanilang mga produkto na epektibo alas 12:01 ng madaling araw.

Una nang nagpatupad ng parehong halaga ng rollback sa gasolina at diesel ang kumpanyang Cleanfuel noong alas 4:00 ng hapon ng Linggo (Feb. 2)

Ang Phoenix Petroleum naman mas nauna pang magtapyas sa kanilang presyo na naging epektibo noong Sabado ng umaga, Feb. 1.

Read more...