Tricycle driver patay sa pananambang sa QC

Nasawi ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin sa Commonwealth, Quezon City, Martes (Feb. 4) ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Fortunato Gacol, 40 anyos na binaril sa kanto ng Villonco Street.

Sakay ng kaniyag minamanehong tricycle si Gacol nang siya ay tambangan ng riding-in-tandem na kapwa nakasuot ng face mask.

Hindi bababa sa 5 basyo ng bala ng baril ang nakuha sa crime scene

Patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police District Station 6 sa insidente.

Wala naman umano sa watchlist ng pulisya ang biktima.

Read more...