BI nakikipag-ugnayan na sa embahada ng China para mapauwi ang 300 dayuhan na stranded sa mga paliparan

File Photo

Aabot sa tatlong daang Chinese at iba pang foreign nationals ang stranded ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa.

Sa Laging Handa Press Briefing sa Malakanyang, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na galing ng China ang mga foreign nationals na hindi na pinapasok sa bansa dahil sa travel ban na ipinatupad ng pamahalaan bunsod ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Sandoval, nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa embahada ng China.

“There are around 300 Chinese nationals who stranded in NAIA because most of the airlines have canceled their flights already to and from the different parts of China. But our office is coordinating with the Chinese embassy and they have pledged to send an aircraft to fetch their citizens who are stranded in the country. Maybe today or the next few days we’ll find out the details of these flights that the Chinese embassy will be arranging.” ayon kay Sandoval.

Nangako naman aniya ang pamahalaan ng China na magpapadala ng eroplano sa mga susunod na araw para sunduin ang kanilang mga stranded na mga kababayan.

Ayon kay Sandoval, may mga Chinese din nasa bansa na noon pa man ang stranded ngayon sa mga airport sa pagnanais na umuwi na rin sa kanilang bansa.

Ayon kay Sandoval, naka-pwesto ang mga stranded na foreign national sa isang kwarto sa mga airport.

Read more...