Permanenteng task force na hahawak sa mga disease outbreak dapat buuin ng gobyerno

AP PHOTO
Hinikayat ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang pamahalaan na bumuo ang isang permanenteng task force na hahawak ng outbreak ng mga sakit sa bansa.

Ayon kay Ong, higit na mapabibilis at magiging sapat ang pagtugon ng gobyerno sa ano mang outbreak ng sakit sa bansa kung mayroon talagang permanenteng task force na tututok dito.

Bago aniya tuluyang lumaganap ang sakit, ipatutupad na ng task force ang mga protocol para pangasiwaan ang medical emergency upang maiwasang mag-panic ang publiko.

Ang nasabi anyang task force ang magsisilbing command and control ng pamahalaan at magiging first at last line of defense ng bansa kung may disease outbreak at biohazard emergencies.

Pinuna ni Ong na bagamat aktibo ang gobyerno sa mga earthquake drill o sa iba pang kalamidad, walang namang paghahanda sa publiko sa usapin ng paglaganap ng nakamamatay na sakit tulad ng coronavirus.

Read more...