Mayor Joy Belmonte, personal na nag-ikot sa mga government hospital sa lungsod, para matiyak ang kahandaan sa nCoV

Personal na sinuri ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tatlong local government hospitals upang matiyak ang kahandaan nito, lalo na at may dalawang kumpirmadong may sakit na coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

Ayon kay Belmonte, sa kabila na wala pang kumpirmadong kaso ng nCoV sa lungsod, mabuti nang maging handa sa anumang posibleng mangyari.

Kabilang sa binisita ni Quezon City Medical Center, Rosario Maclang Bautista General Hospital at ang Novaliches District Hospital.

Sa pagbisita ni Belmonte sa tatlong hospital, dito nakita niya ang may sapat na kagamitan ang tatlong hospital na humawak sa posibleng kaso ng nCoC.

Sinabi pa ni Belmonte na mabuti nang maging handa anumang oras, at hindi puwedeng mag-relax dahil kalusugan ng mga residente ang pinag-uusapan dito.

Kabilang sa safety equipment, mayroon ang tatlong hospital ang isolation tent at iba pang paraphernalia.

Samantala ang City health officials nakipag-ugnayan na rin sa mga private hospitals upang pag usapan ang mga protocols sa paghawak ng kaso ng nCoV.

Read more...