PCCII nag-donate ng 30,000 face masks

Nagbigay ng 30,000 face masks ang Philippine Chinese Chamber of Commerce & Industry Inc. para magamit sa kasagsagan ng novel coronavirus scare sa bansa.

Ang donasyon ay ibinigay ng grupo kay Senator Koko Pimentel III.

Ayon kay Pimentel, ibibigay naman ng kaniyang tanggapan ang mga masks sa mga airport personnel at sa mga staff ng senado.

Ayon kay PCCII Sec. Gen. Ko Beng Sum kabuuang 600,000 masks ang ido-donate ng kanilang grupo,

Maliban sa 30,000 na ipinagkaloob sa tanggapan ni Sen. Koko Pimentel III ay magbibigay din sila ng 200,000 masks sa Office of the President.

Read more...