China nagbigay ng 200,000 na surgical masks sa Pilipinas; Anti-China sentiments iwasan ayon sa Malakanyang

Ibinida ng Palasyo ng Malakanyang na nagbigay ang China ng 200,000 na piraso ng surgical masks para sa Pilipinas.

Ito ay bilang tulong ng China sa Pilipinas para tugunan ang problema sa 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagkaroon din ng sharing of information ang dalawang bansa ukol sa naturang sakit.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na umaapela ang Palasyo ng Malakanyang na iwasan ang pagkakaroon ng anti-China sentiments o ang pagpapakalat ng galit sa China.

Ayon kay Panelo, hindi makatutulong ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon at pananakot sa kapwa para matugunan ang naturang problema.

Wala anyang puwang sa Pilipinas ang stigma, pagkakaroon ng negative information at pagkamuhi sa isa’t isa.

Read more...