P3M halaga ng shabu nakumpiska sa 2 suspek sa Camarines Norte

Arestado ang dalawang suspek sa ilegal na droga sa ikinasang operasyo sa Santa Elenea, Camarines Norte.

Kinilala ni Major Elizaldy Calingacion, Sta. Elena police chief ang mga suspek na sina Marlon Abueva, 25-anyos at Anacleto Aquino, 37-anyos.

Ang dalawa ay naaresto sa Barangay Tabungon, Linggo (Feb. 2) ng gabi.

Dalawang plastic bags na may lamang 500 gramo ng shabu ang nakuha sa mga suspek.

Sinabi ni Calingacion na P3 milyon ang kabuuang halaga ng shabu

 

Read more...