Pasig naghanda na ng quarantine tent sa Pasig City General Hospital

Sa Pasig City General Hospital (PCGH), may inihahanda nang quarantine tent.

Ito ay sa kabila nang nananatiling walang kaso ng novel coronavirus sa lungsod.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kung mayroong pasyente sa lungsod na makikitaan ng sintomas ng 2019-nCoV ay ilalagay ito sa naturang quarantine tent.

Hinimok naman ni Sotto ang mga residente sa lungsod na sumunod sa mga alituntunin ng Department of Health at World Health Organization para makaiwas sa sakit.

Read more...