Buong bansa apektado ng Amihan – PAGASA

Malamig ang panahong mararanasan sa buong bansa dahil sa paglakas ng umiiral na amihan.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang Metro Manila, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Aurora, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan.

Nakataas naman ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa sumusunod na mga lugar:

– Northern Quezon including Polilio Islands
– Camarines Norte
– Northern Coast ng Camarines Sur
– Northern at Eastern Coast ng Catanduanes
– Eastern Coast ng Albay
– Eastern Coast ng Sorsogon
– Northern at Eastern Coast ng Northern Samar
– Eastern Coast ng Eastern Samar
– Eastern Coast ng Dinagat Islands
– Siargao
– Eastern Coast ng Surigao Del Norte
– Surigao del Sur
– Davao Oriental

 

Read more...