H5N1 bird flu outbreak naitala sa Hunan province sa China

Nakapagtala ng outbreak ng H5N1 Bird Flu sa Hunan Province sa China.

Ayon sa Ministry of Agriculture and Rural Affairs isang farm sa Shaoyang City ang naapektuhan ng bird flu.

Mayroong 7,850 na alagang manok sa nasabing farm at 4,500 dito ang nasawi dahil sa bird flu.

Bilang precautionary measures, kinatay na ang 17,828 na mga manok sa mga poultry farm sa naturang lungsod at mga kalapit pang lugar.

Wala pa namang naitatalang tao na naapektuhan ng bird flu sa Hunan.

Read more...