DFA iniutos na ang suspension sa pag-iisyu ng visa sa mga biyahero muka China, HK at Macau

Ipinag-utos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pansamantalang suspensyon sa pag-iisyu ng visa sa mga biyahero mula China, Hong Kong at Macau.

Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng travel ban laban sa mga biyahero mula China at Special Administrative Regions nito dahil sa novel coronavirus.

Ayon sa abiso ng DFA, lahat ng dayuhan, anuman ang nationality basta’t galing ng China, Hong Kong at Macau ay hindi muna iisyuhan ng visa.

Sinabi ng DFA sa abiso nito na sakop ng travel ban ang mga dayuhan na mayroong visa-free entry privileges na galling sa China, Hong Kong at Macau.

Read more...