Laurel, Batangas niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Laurel sa lalawigan ng Batangas.

Naitala ang lindol sa layong 2 kilometers northwest ng Laurel alas 4:20 ng umaga ngayong Lunes, February 3.

May lalim na 10 kilometers ang pagyanig at volcanic ang origin bunsod ng patuloy na aktibidad sa Bulkang Taal.

Naitala ang Intensity II sa Tagaytay City bunsod ng naturang pagyanig.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...