Bigtime oil price rollback, ipatutupad sa susunod na linggo

Good news para sa mga motorista.

Magpapatupad ng bigtime oil price rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa abiso ng Phoenix Petroleum, Shell at Petro Gazz, may kaltas na P2 sa kada litro ng kanilang diesel habang P1.60 naman sa kada litro ng gasolina.

Sinabi ng Shell na may bawas naman na P2.45 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Buena manong nagpatupad ng oil price rollback ang Phoenix Petroleum noong araw ng Sabado, February 1, bandang 6:00 ng umaga.

Ayon naman sa Shell at Petro Gazz, epektibo ang kanilang oil price adjustment sa araw ng Martes, February 4, bandang 6:00 ng umaga.

Inaasahang pag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto.

Read more...