High-value target timbog sa Tanjay CIty, Negros Oriental

Arestado ang isang high-value target (HVT) sa ikinasang buy-bust operation sa Tanjay City, Negros Oriental Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa Barangay Polo bandang 3:30 ng hapon.

Nahuli ng mga otoridad ang suspek na si Jenecar Balbuena, 31-anyos.

Nakuha sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na mahigit-kumulang 100 gramo. Nagkakahalaga ito ng P680,000.

Nakumpiska rin kay Balbuena ang isang colt caliber 45 na baril, dalawang magazine na kargado ng ilang bala, isang side holster, isang itim na Suzuki Raider, isang itim na sling bag, ilang drug paraphernalia at ginamit na buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 12 ng Article 2 Republic Act 9165 at Republic Act 10591 ang isasampa laban sa suspek.

Read more...