Sa inilabas na pahayag, dapat tutukan ng gobyerno ang paghahanap sa mga posibleng apektado ng sakit para maisailalim sa quarantine at isolation.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang temporary ban sa lahat ng dayuhan mula China, Hong Kong at Macau.
Aniya, welcome sa kaniya ang total travel ban para maiwasan aang pagkalat ng nasabing virus sa bansa.
Giit pa ng senador, mas mabuti kung naipatupad ito nang mas maaga para napigilan ang pagpaosk ng daan-daang posibleng carries ng sakit sa bansa.
Ngunit, sinabi naman nito na mas maigi nang huli kaysa hindi ipinatupad.
Matatandaang kinupirma ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng nCoV sa bansa na isang 44-anyos na lalaking Chinese.
Ayon sa kagawaran, nasawi ang dayuhan, araw ng Sabado (February 1).