Sa Taal volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na naglalabas pa rin ang bulkan ng puting usok na may taas na 50 hanggang 100 metro.
Umabot naman sa 97 tonnes kada araw ang naitatalang sulfur dioxide (SO2) emission.
Samantala, nakapagtala ang Taal Volcano Network ng 153 volcanic earthquakes kabilang ang dalawang low-frequency events.
Nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
Ibig-sabihin, sinabi ng Phivolcs na posible pa ring makaranas ng weak phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions na maaaring makaapekto sa Taal Volcano Island.
READ NEXT
Mga misteryo ng ‘Chinese coronavirus’ dapat ibulgar ng WHO at DOH – sa ‘WAG KANG PIKON ni JAKE J. MADERAZO
MOST READ
LATEST STORIES