Sunog sumiklab sa isang warehouse ng plastik sa Pandacan, Maynila; Ginagawang bahagi ng Skyway, bumagsak

Itinaas na sa Task Force Bravo ang sumiklab na sunog sa isang warehouse ng plastik sa Pandacan, Maynila.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), itinaas sa Task Force Bravo ang sunog sa San Miguel Corp. Warehouse sa Tomas Claudio Street bandang 11:05 ng umaga.

Sa ibinahagi pang larawan ng Manila Public Information Office (PIO) mula sa Manila DRRMO, bumagsak ang ginagawang bahagi ng Skyway Stage 3 bunsod nito.

Ayon naman kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, patuloy nilang tinututukan ang sunog sa lugar.

Agad aniya silang magbibigay ng update oras na makakuha ng impormasyon mula sa isasagawang assessment at imbestigasyon.

“We are currently monitoring the fire in Pandacan, Manila that affected the Skyway Stage 3 project. We will provide updates as soon as information from the assessment, investigation is available,” ani Villar.

Sa ngayon, patuloy pa ring inaapula ng mga bumbero ang sunog sa lugar.

Read more...