Mga crew ng Dumaguete-Manila flight ng PAL isinailalim sa quarantine

Isinailalim sa quarantine ng Philippine Airlines (PAL) ang mga crew ng isang flight nito na Dumaguete – Manila.

Ito ay matapos magpositibo sa novel coronavirus ang isang 38 anyos na Chinese national na smumakay sa eroplano ng PAL mula Dumaguete patungong Manila bago ito nagpatingin sa ospital dahil sa ubo.

Ayon sa PAL, lahat ng crew ng eroplanong sinakyan ng babaeng Chinese ay inilagay na sa quarantine.

Kinabibilangan sila ng dalawang piloto at apat na cabin crew.

Patuloy din ang pag-contact ng PAL sa mga pasahero na nakatabi ng babaeng Chinese.

Read more...