Mahigit P600K na halaga ng ilegal na droga nakumpiska ng Customs NAIA

Nakumpiska ng mga tauhan ng Customs NAIA ang mga ilegal na droga na nasa loob ng bagahe at ipadadala sana sa ibang bansa.

Ang parcels na nakumpiska sa DHL warehouse ay may lamang 71.6 grams ng hinihinalang shabu at 97 na tableta ng valium.

Ginawa ng Customs NAIA ang pagkumpiska sa mga kontrabando katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Anim na magkakaibang bagahe na mayroong makakaibang consignees ang nakumpiska.

Ang lima ay ay naglalaman ng shabu habang ang isa ay may lamang valium.

Itinago pa sa mga libro, speakers at mga dokumento ang mga ilegal na droga.

Read more...