P21 hanggang P24 na rollback sa presyo ng LPG ipatutupad ng mga kumpanya ng langis

Good news ang sasalubong sa unang araw ng buwan ng Pebrero.

Magpapatupad kasi ng rollback sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis.

Ang kumpanyang Petron at Phoenix, may bawas na P2.20 sa kada kilo ng LPG. Katumbas ito ng Mahigit P24 na bawas sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

May bawas din ang dalawang kumpanya na P1.25 sa kada litro ng kanilang AutoLPG.

Epektibo ang rollback ng Petron at Phoenix alas 12:01 ng madaling araw bukas, Feb. 1.

Samantala, ang Solane naman ay may bawas na P1.95 sa kada kilo ng LPG o Pmahigit P21 na bawas sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

Epektibo naman ang rollback ng Solane alas 6:00 ng umaga bukas, Feb. 1.

Read more...