Bilang ng Persons Under Investigation sanhi ng 2019 nCoV umakyat na sa 31

Umakyat na sa 31 na katao ang pinagsusupetsahan na may kaso ng novel coronavirus, ilang oras bago magtanghali ng Biyernes (Jan. 31) ayon sa Department of Health (DOH).

Kabilang sa naidagdag sa tala ng PUI ay ang mag-asawa mula sa Quezon City matapos silang makaranas ng pananakit ng likod at na kapwa may travel history sa China.

Una nang kinumpirma ng DOH ang unang kaso ng novel coronavirus sa bansa kahapon, na nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng travel ban sa mga turista mula sa Hubei province ng China at iba pang mga lugar sa China na tinamaan ng nakamamatay na virus.

Nilinaw naman ng DOH na ang 56 na unang napaulat na PUIs ay hindi PUIs kundi “nCov related events”.

Samantala, ang mga Pinoy naman na nasa China na gustong makinabang sa voluntary repatriation program ng gobyerno ng Pilipinas ay oobligahin na sumailalim sa 14-day quarantine bilang bahagi ng precautionary measure.

Ideniklara na ng World Health Organization ang naturang outbreak bilang global health emergency.

Read more...