DTI sa publiko: Huwag magpanic buying ng face masks

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry ang publiko na huwag mag-alala sakaling nauubusan ng nabibiling face masks sa merkado.

Sa gitna ito nang kumpirmadong kaso ng 2019 novel corona virus o ncov na ikinabigla ng mga mamayan lalo na ang mga nasa lungsod ng Maynila.

Sa forum ng National Press Club, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na huwag mag-panic buying ang publiko dahil mayroon namang agarang solusyon sa sinasabing nagkakaubusan ang supply ng face masks, alcohol, sanitizer at iba pa.

Ayon sa kalihim, may sapat na supply ng facemasks at maging alkohol at sanitizer bukod pa sa madali lamang mag-produce ng mga produktong ito.

Hinimok din ni Lopez ang mga retailer na bumili na ng bultu-bulto para sa tumataas na demand sa face mask, alcohol at sanitizer.

Paalala ng kalihim na huwag lamang magpapatupad ng mataas na presyo dahil patuloy ang monitoring ng DTI Price Monitoring Team.

Mahaharap aniya sa kasi ang mga nagsasamantala o sangkot sa overpricing.

Read more...