Nagpatupad na rin ng 14-day travel restriction sa mga biyahero mula China ang bansang Trinidad and Tobago.
Iyan ang kinumpirma ng kanilang Health minister na si Terrence Deyalsingh.
Effective immediately aniya ang pagbabawal na makapasok sa kanilang bansa ang mga Tsino.
Nabatid na ang coronavirus ay may incubation period nang hanggang 14-na araw.
Samantala, hinimok ng Chief Public Health Officer ng Canada na si Theresa Tam ang taumbayan na itigil ang aniya’y acts of racism laban sa mga Chinese at Asyano dahil sa coronavirus outbreak.
Naiintindihan umano niya ang takot ng publiko sa mga ganitong pagkakataon, subalit dapat aniya alalahanin na ang sama-samang paglaban sa epidemya na mas mahalaga sa halip na pairalin ang diskriminasyon.
Ayon sa mga otoridad, may mga insidente nang naitatala kung saan iniuulat ng mga Chinese Canadians sa Toronto na hinihimok silang sumailalim sa quarantine o di kaya ay iwasan ang mga negosyo na pag-aari ng mga Tsino.