DepEd tutulong sa pagpapakalat ng awareness at precautionary measures vs nCoV

Naglabas ng direktiba ang Department of Education (DepEd) ukol sa lahat ng paaralan na makipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) ukol sa banta ng 2019-novel coronavirus sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na hinikayat na ni Education Secretary Leonor Briones ang mga paaralan na sundin ang guidelines ng DOH sa nasabing sakit bago pa man makumpirma ang unang kaso nito.

Tutulong din ang DepEd sa pagpapakalat ng awareness at precautionary measures sa mga paaralan at komunidad sa pamamagitan ng information materials mula sa DOH.

Ipinag-utos ng kalihim sa mga DOH official sa mga apektadong rehiyon na makipagtulungan sa contact tracing sa mga indibidwal na posibleng nakasalamuha ng babaeng Chinese na mayroong coronavirus.

Magbebenepisyo anila dito hindi lamang ang mga estudyante at paaralan kundi maging ang mga komunidad.

Direkta namang nakakausap ni Briones si Health Secretary Francisco Duque III at iba pang health officer sa iba’t ibang rehiyon ukol sa sitwasyon ng sakit.

Read more...