Mga operator ng POGO pinagsasagawa ng test sa kanilang mga empleyado

Hinimok ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na magsagawa ng sariling test sa kanilang mga Chinese employees laban sa novel corona virus.

Ayon kay Defensor, Ito ay para matiyak at mapahupa na rin ang pangamba ng publiko na posibleng kumalat ang sakit sa Pilipinas dahil sa pagdami na rin ng POGO sa bansa.

Pwede naman anya na hindi kailanganin ang test dahil sila ay andito lang naman sa Pilipinas.

Ang dapat aniyang isailalim sa mahigpit na screening at monitoring ay iyong mga bagong POGO workers na mula China at Hong Kong na kararating lamang sa bansa.

Pero para matiyak na hindi carrier ng sakit ang mga POGO workers na naririto na sa Pilipinas ay dapat magkusa ang mga POGO employers na i-test ang kanilang mga empleyado.

Read more...