Bulkang Taal patuloy sa pagbubuga ng abo

Patuloy na nakakapagtala ng pagbuga ng abo sa Bulkang Taal.

Sa Taal volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na umabot ang ibinubugang puting usok ng bulkan sa 500 hanggang 700 metro ang taas.

Nasa “below instrumental detection” naman ang naitalang sulfur dioxide emission sa Taal.

Samantala, mula 5:00 ng madaling-araw ng January 29 hanggang 5:00, Biyernes ng umaga (January 31), nakapagtala ng pitong volcanic earthquakes na may magnitude 1.7 hanggang 2.5 ang lakas.

Simula naman noong 1:00 ng hapon ng January 12 ay nakapagtala na ng 763 na volcanic earthquakes.

Dagdag ng Phivolcs, nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Dahil dito, posible pa rin anila ang weak phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall, at lethal volcanic gas expulsions sa bahagi ng Taal Volcano Island at mga kalapit na lugar nito. / Angellic Jordan

Excerpt: Sinabi ng Phivolcs na umabot ang ibinubugang puting usok ng bulkan sa 500 hanggang 700 metro ang taas.

Read more...